|
p a k w a n g
p a n g i m a y
s a n a y s a y
| ||||||
|
Pulitikal na Paglalang sa Homoerotisismo sa mga Maikling Kuwento sa Pilipinas Tsunami 2005: Ang “Tsunami” Bilang Intertexto sa Karansang Kultural, Historikal at Pulitikal ng Pilipinas Michael Francis C. Andrada Noong Pebrero 14 at 15, 2005 sa Le Pavillon, itinanghal ang Faces of Love, isang benefit concert para sa mga biktima ng trahedyang idinulot ng Disyembre 26, 2004 Asian tsunami. Tampok sa naturang konsiyerto ang mga batikang Filipinong mang-aawit na sina Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla. Malay man o hindi, mayroong dalawang klase ng tsunami na pinagsanib sa nasabing konsiyerto. Una ang Asian tsunami. Ikalawa ay ang alaala ng matikwas na hairstyle na pinasikat noong 1980s ni Zsa Zsa Padilla – ang hairstyle na tinaguriang “tsunami.” Makikita mula sa obserbasyong ito ang isa sa kinahumalingang diskurso ng paghuhugpong ng mga bagay, tao, tagpuan, panahon at karanasan. Ito ang diskurso na tinatawag na intertextuality – ang paghahanap sa “dayuhang texto” o “intertexto” na nakapaloob sa isang partikular na texto. Sa papel na ito, ipapakita ang samu’t saring gamit ng salitang “tsunami” bilang intertexto sa karanasang kultural, historikal at pulitikal ng bansa.
“ANG LUGAR NA ITO AT ANG ILANG BAHAGI NG BAYBAYING DAGAT NG BAYAN NG BALER AY MINSAN NANG INABOT NG “TSUNAMI”. ANG PINAKAHULING PANGYAYARI AY PAGKATAPOS NG ISANG MALAKAS NA LINDOL NOONG IKA-7 NA ABRIL 1970, SA GANAP NA IKA-1:34 NG HAPON. MAY MGA BAHAY, ANG NASIRA NG MGA MAPAMINSALANG ALON NG “TSUNAMI” DAHIL SA PAGLINDOL NA ITO. ANG TSUNAMI AY MAARING MULING MAGANAP SA BAYANG ITO KUNG MAGKAKAROON NG ISANG NAPAKALAKAS NA LINDOL MALAPITO DITO O SA MGA KARATIG-BANSA SA DAGAT PACIFICO. ANG TSUNAMI MARKER NA ITO AY MAGSILBI SANANG PAALALA NA ANG GANITONG PANGYAYARI AY HINDI MAPIPIGILAN NGUNIT KUNG TAYO AY HANDA, SAKUNA AY MAIIWASAN.”
Almario, Virgilio S. (punong pat.). UP Diksiyonaryong Filipino. ANAKPAWIS Partylist. “Poor families stand to lose P300 per month if 20% VAT hike pushes through.” Press release. Pebrero 1, 2005. Belvez, Paz M. (pat.). Learn to Speak Japanese, English, Filipino. Panganiban, Jose V. Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles. PHIVOLCS. “First Tsunami Marker in the Panayam: Diangson, Cynthia. Agosto 3, 2005. Road 5, Tandang Sora, Matandang Balara, Lucero, Rosario C. Agosto 4, 2005. kelly.kili at 2:24 PM ANG MAHAL NA BIRHEN NG SOFTDRINKS: Espasyo sa Pagitan ng mga Salita: Ang Continuum ng Lenggwahe-Lunan (Wika-Espasyo) sa Mendiola ni Michael Francis C. Andrada Bilang isa sa pinakapopular na geopolitikal na espasyo sa bansa, aktibo ang Mendiola sa pagtanggap ng samu’t saring lenggwahe, pulitika at ideolohiya mula sa iba’t ibang indibidwal, grupo at institusyong “nagtatanghal” sa sikmura nito. Ang produksyon at reproduksyon ng lenggwahe’t kahulugan sa Mendiola ay tila laging nasa isang centrifuge: mabilis ang pag-ikot, nabubulabog ang homeostasis o equilibrium, naghahalu-halo ang mga kaganapan, binabaklas ang mga establisado’t tradisyunal na lenggwahe’t danas, upang sa huli’y magluwal ng bagong lenggwahe’t danas. Ngunit nananatiling lunan ng tunggalian ang Mendiola: ang mediasyon ng lenggwahe, ang sublimasyon ng oras, at ang interpelasyon ng pulitika’t pakahulugan, ay laging tinatalunton ang isang tensyonadong tereyn: ang lenggwahe, oras, pulitika, at kahulugan ay maya’t maya’y ikinakabit, binabaklas, pinananahan, pinapalis, at perenyal na binabagu-bago sa Mendiola. Ayon nga kay Edward Said: “Just as none of us is outside or beyond geography, none of us is completely free from the struggle over geography.” (1993, p. 7) Nagsilbi at patuloy na nagsisilbi ang Mendiola bilang lunsaran ng napakaraming kilos-protesta, mula sa mga buwanang lakbayan, welga at iba pang porma ng parliyamentaryo ng lansangan, hanggang sa mga konsiyerto at pangangampanya ng mga pulitiko. Sa naratibo ng kasaysayan ng pag-aaklas sa Pilipinas, ang madugong insidente ng Mendiola Massacre sa adiministrasyon ni Corazon C. Aquino noong Enero 1987, kung saan 14 na mga magsasaka’t raliyista ang pinatay at 38 ang sugatan, ay dumungkal nang malalim sa kolektibong psyche ng mamamayang Pilipino. Labing-isang buwan matapos ang “tagumpay” ng EDSA 1 Uprising, ang administrasyon ni Corazon Aquino ay humaplit ng isang karahasang maiuugat pa sa mga karahasang isinaludsod sa mga popular na pag-aalsa ng mga Sakdalista at Hukbalahap at iba pang pag-aalsa ng mga pesante. Bumabalik-balik pa rin ang mga magsasaka sa Mendiola, para sa mga panawagan ng tunay na repormang agraryo, at nitong huli, dahil sa Hacienda Luisita Massacre ng pamilya Cojuangco noong Nobyembre 2004. Maiuugnay ang mga madugong kaganapan na ito sa historikal at progresibong pagtataya sa Mendiola bilang pagsasanib ng lenggwahe at lunan. Kung bakit kapag sinabi ang salitang “Mendiola,” mas kilala ito bilang nag-aalburutong sikmura o lunan ng protesta. Ang Pagsasanib ng Lenggwahe at Lunan Samakatwid, ang tunggalian sa Mendiola ay ang pangunahing diskursong bitbit ng lenggwahe ng naturang lunan. Sa ganang ito, tataluntunin ko sa papel na ito ang kognitibong pagmapa sa Mendiola bilang wika at locus ng pagbabago – at lenggwahe at lunan ng pag-aaklas – laluna’t sa panahon diumano ng postmodernong simulacra o matrix, ang mga espasyo’y nagugunawan na ng mga historikal, kultural at sosyo-pulitikal na kahulugan at/o nag-uumapaw sa labis na produksyon ng pakahulugang kadalasang hiram, dayuhan at nakalalabusaw ng identidad. Ang primaryang tekstong gagamitin upang mapalitaw ang pagsasanib ng lenggwahe at lunan (mediasyon ng lenggwahe interpelasyon ng ideolohiya, at sublimasyon ng oras sa Mendiola) ay ang maikling kuwentong “Mendiola” ni Maely O. Monteclaro. Ang kognitibong pagmapa, laluna sa “resistance” o “Third World” na literatura, ay susog ni Fredric Jameson sa diskurso niya na ang postmodernismo ay ang “cultural logic of late capitalism.” Ani San Juan: “Culture alone is not to blame. In his article ‘Marxism and Postmodernism,’ Fredric Jameson (1989) himself has revised his early quasi-formalist view of postmodernism as ‘the cultural logic of late capitalism’ by stressing the requisite concept of totality. He postulates ‘cognitive mapping’ as a theoretical necessity without which it is virtually impossible to articulate the nature of decisive social transformations and their historical trajectories of which the most pivotal is the unequal exchange between Europe and ‘the peoples without history.’ (1995, pp. 199-200) Mahalaga ang pahayag ni San Juan laluna’t ang kasalukuyang pang-ekonomiya, pampulitika, kultural at pampanitikang moda ng produksyon ng Pilipinas ay umaayon sa neokolonyalismo’t globalisasyon (na siyang nagpapatuloy sa paghahati-hati sa mundo magpahanggang ngayon sa konsepto ng “Una,” “Ikalawa,” at “Ikatlong Daigdig”); lalo’t higit dahil puspusan ang pagsususog ng mga popular na pambansa-demokratikong pakikibarik laban sa hegemonyang nabanggit. Ayon pa kay Corazon L. Santos, “…sa pagkilala natin sa kahalagahan ng wika, nakikita rin ang pagpapahalaga sa tao bilang nagtataglay ng kapangyarihang lumikha ng diskurso sa pamamagitan ng wika.” (2001, p.51) Nais kong palawigin ang pahayag na ito ni Santos sa diskursong geopulitikal. Ang pagsasanib ng wika at lunan (lenggwahe-espasyo) – sa pamamagitan ng pagtatanghal ng wika sa lunan at ng lunan sa wika – ay nagpapamalas ng kapangyarihan ng taong lumikha ng diskursong kontrapuntal sa pamamagitan ng wika-lunan/lunan-wika. Sa kasong ito, ang Mendiola ang primaryang pinagsasaniban ng lenggwahe at espasyo upang magpahulas ng ng tunggalian. Mediasyon at Negosasyon sa Tekstong "Mendiola" at Lunang Mendiola Sa unang basa, ang maikling kuwentong “Mendiola” ni Monteclaro ay masasabing muling-pagsasalaysay lamang ng ilang kaganapan sa masaker sa Mendiola noong 1987 sa tinig at pananaw ng isang bagong-saltang estudyante sa pambansa-demokratikong kilusan/aktibismo. Dumalo siya sa mobilisasyon ng mga pesanteng hinihiling sa Administrasyong Aquino na “ipamahagi na ng gobyerno ang mga lupa nitong hindi naman napapakinabangan o ang tinatawag na government idle lands sa mga pesante.” (Monteclaro 1988, p. 49) Isinalaysay ng persona kung paanong mula sa Liwasang Bonifacio, isa ring popular na geopolitikal na espasyo sa bansa, ay “nanawagan si Ka Jaime, sa libu-libung naroon nang kanya nang winawakasan ang programa ng rally: ‘Sumugod tayo sa Malakanyang at buwagin natin ang mga barikada!’” na malugod na “sinalubong ng mga raliyista’t ilang sandali pa’y nagsimula nang magsihanay ang mga magsasaka’t estudyanteng naroon upang maumpisahan na ang humigit-kumulang na dalawang kilometrong martsa patungong Malakanyang.” (Monteclaro 1988, p. 50) Sa puntong ito mas maipapakita ang tambalang lenggwahe-lunan. Ang nagpupuyos na mga salita ay mayroong heyograpikal na perspektibo: ang wika ay nagiging direksyon (lugar) at pagbibigay-direksyon (plea). Isinalaysay rin ng persona kung gaano ang tiwala niya kay Terê, ang masasabing organikong intelektwal sa hanay ng mga petiburges na estudyante ng UP, laluna nang “lumuwa ang mata ko (persona) sa takot (siguro sa excitement na rin) nang makita kong nagpapasahan na ng mga tubong bakal at dos por dos ang ilan sa likod, ang iba nga’y may pako pang nakausli sa dulo ng kanilang mga panalo.” (Monteclaro 1988, p. 50) Dagdag pa ng persona: “Tiningnan ko siyang mabuti, hinanap ko sa mga mata niya ang katiyakan sa kanyang sinasabi. Sa mga oras na yon, isinalalay ko ang kung anuman ang mangyayari sa paniniwalang malaki ang tiwala ni Terê sa kung anuman ang tinuran niya.” (Monteclaro 1988, p. 51) Ngunit ang pinakarurok ng banghay ng kuwento ay nang asintahin na ng mga pulis at Marines ang mga raliyista. Sa mata ng isang petiburgis na nagsisimula pa lamang magpanibagong-hubog, ang persona ay kinuluban ng takot at pag-aalinlangan laluna nang mabilis na nagsitakbuhan ang mga kapwa raliyista at ang mga magsasaka nang magpapaputok ang mga militar: “Nang akala ko’y nakalayo na ako ng konti, may narinig akong putok sa dirkesyon namin at sa gulat ay napatalikod ako, tinatanong pa sa sarili kung natamaan ako o kung patay naba ako o buhay pa. Nakita kong tumumba ang mamang nasa likod ko. May apat na metro siguro ang layo niya sa akin at nakita ko rin ang trooper na walang tigil pa siyang pinagbabaril. Naligaw pa nga ang isang bala niya’t dumaplis pa sa may bandang binti ko. Hindi ko na naramdamang may sugat na pala ako. Yung mukhang iyon nung mamang binaril, nakadilat siya at nakatingin sa langit na unti-unti nang nagdidilim.” (Monteclaro 1988, p. 52) Ang madugong kinahantungan ng marahas na dispersal ay pumatak sa mga espasyo ng pahayagan at iba pang midyum. At kung paglilimiang mabuti ay pumatak sa mismong espasyo ng kuwentong isinulat ni Monteclaro. Ngunit dahil anumang teksto ay pumapaloob sa isang negosasyon – na bunga ng kognitibong produksyon – ang Mendiola ni Monteclaro, sa malalimang pagbasa, ay nagtataglay ng alegorya ng pagpapaksa sa isang lunang batbat ng kasaysayan. Samakatwid, mas mamarapatin kong tawaging “bersyon” ito ni Monteclaro ng nasabing malagim na kabanata sa napakabatang historya ng Mendiola. Ngunit bagamat maituturing na bata, ang lalim at tagos ng mga kahulugan at kaganapan sa Mendiola ay nagbibitbit ng mahaba’t nagsasanga-sangang daluyan ng pagbubuo ng mga Pilipino ng konsepto ng pagkabansa at pagkamakabayan. Malinaw ang narasyon at lenggwahe ni Monteclaro: ang ibalik – sa literal na pakahulugan – sa pamamagitan ng flashback ang mambabasa sa panahon at lunan ng masaker sa Mendiola. Nagsimula ang kuwento sa pamamagitan ng isang retorikal na pahayag: “Marami sana akong gustong itanong sa iyo, hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan.” (Monteclaro 1988, p.47) Ang pahayag na ito, pinaglimian man o hindi, malay man o hindi, ay isang mahalagang kognitibong pagmamapa ng pagbaklas at pagbuo ng naratibo ng nasyon. Paano? Sapagkat ganitong-ganito ang tinuran ni E. San Juan sa pagsisimula ng diskusyon hinggil sa lugar ng manunulat ng “Ikatlong Daigdig:” “What can the writer from the margins of this ‘simulacra’ say or do that can make a difference to the metropolitan center? Does it matter?” (1995, p. 194) Sa ganitong punto pa lamang – sa simula pa lamang ng kuwento – ipinoposisyon na agad ng persona ang mambabasa: binibigyan tayo ng pahapyaw na tanaw sa tatalakayin at susuungin ng narasyon: maraming tanong ang gustong ihayag ng persona: maraming sagot ang nais niyang matamo: dahil ang mga tanong ng persona ay siyang magiging tanong na rin nating mambabasa: at tayong mambabasa ay magiging bahagi na ng teksto at diskurso ng pagtatanong at paghahawan ng landas upang maarok ang mga sagot sa samu’t saring tanong. Samakatwid, malaki ang hinihingi ng teksto mula sa mambabasa. Hindi ito isang pleasurable read lamang. Hinihingi ng teksto na umigpaw sa lebel lamang ng pagkandili sa literal na kahulugan ng kuwento – o sa madaling salita – pagtalunton sa pormalistang elemento ng kuwento. Bagkus, hinihiling ng teksto na makipag-usap tayo sa kaniyang mga salita: at dito magsisimula ang negosasyon. Samakatwid, malaki ang hinihingi ng teksto mula sa mambabasa. Hindi ito isang pleasurable read lamang. Hinihingi ng teksto na umigpaw sa lebel lamang ng pagkandili sa literal na kahulugan ng kuwento – o sa madaling salita – pagtalunton sa pormalistang elemento ng kuwento. Bagkus, hinihiling ng teksto na makipag-usap tayo sa kaniyang mga salita: at dito magsisimula ang negosasyon. Sa pag-aaral ng pinagmulan at impluwensiya ng nasabing maikling kuwento, matutukoy agad na hindi lamang piksyunal na lugar ang Mendiola. May pangangailangan para sa isang aktibong mediasyon at negosasyon sa pamamagitan ng teksto’t lenggwahe at ng mambabasa – ng pampanitikang moda ng produksyon ng mambabasa bilang kaalinsabay ng nagbabagong pampulitika at pang-ekonomiyang moda ng produksyon. Sapagkat sa pagbabago ng moda ng produksyon ay nagbabago rin ang mga relasyon sa produksyon at relasyong-pangkapangyarihan – di na lamang dapat ipagkasiya ang kuwento’t mga karakter nito sa postkolonyal na lapit ng subject-positionality tulad nang kinahuhumalingan ng mga manunulat at iskolar ngayon at nitong humigit-kumulang nakaraang dekada sa Pilipinas. Humuhulas ang ganitong kritisismo sa postkolonyalismong diskurso sa sanaysay na “On the Limits of ‘Postcolonial’ Theory: Trespassing Letters from the Third World” ni E. San Juan, Jr. sa kanyang librong Mediations From a Filipino Perspective (1996). Imahe(Nasyon) ng Lenggwahe at Sublimasyon ng Oras Ang indibidwal na asersyon ng persona sa kuwento ay unang ipinahayag sa kaniyang adbenturistang pananaw hinggil sa aktibismo. Aniya, ““Kung minsan nga, nanghihinayang ako. Kung bakit kasi ngayong panahon pa ako napasok sa UP, wala nang masyadong action. Sabi ko na lang, experience na rin ito. Biro mong makikipagkapit-bisig ka sa mga magsasaka? Ewan ko ba, tarantado kasi ako, napausal akong sana may teargas, sana dumating ang mga bumbero tapos buhusan kami ng tubig, para kako maranasan ko naman kung paano talaga…” (Montecarlo 1988, p.48) Kung sisipatin ang ganitong indibidwal na kamalayan, mahihinuha na ang mismong aktibismo sa partikular, at ang pambansa-demokratikong proyekto sa kabuuan, ay nakapagbuo na mismo ng lenggwahe, lunan at alamat o mistipikasyon ng aksyon na pumaloob sa isang maituturing na kolektibong kamalayan ng petiburgesya – at ng iba pang uri sa bansa. Sa kaso ng persona sa kuwento, masisipat na ang indibidwal na kamalayang adbenturista ay bumubukal mula sa aksyon ng EDSA 1 Uprising – ang umaatikabo at maaksyong pagpapatalsik sa diktaduryang Marcos – sa pamamagitan ng ispontanyong pag-aalsang masa at pagtitipon sa EDSA (at hindi dapat iwaglit ang mismong banta ng military junta sa bansa nang panahong naturan). Maisisinulid din sa “grandeur” ng First Quarter Storm, na diumano’y pangunahing nilahukan ng mga kabataan at intelektwal ng mga Unibersidad at kilusang masa, ang adbenturistang imahinasyon ng persona hinggil sa Enero 22, 1987 na mobilisasyon sa Mendiola. Ngunit kahit sa pinakamababaw na asumpsyon ng liberal humanismo, ang isang petiburgis, na may katangian ng pagiging “tagibang,” ay nagigising rin naman agad sa katotohanan, laluna’t nagbubuhat ang pagbabalik-malay mula sa takot. Ani persona sa kuwento: “Pero nang napag-isip-isip ko yung pinapangarap kong mangyari, dali-dali kong binawi.” (Montecarlo 1987, p.48) Ang indibidwal na agresyong adbenturista, sa kalaunan, laluna kapag nababatukan ng katotohanan, ay lumalambong sa kolektibong pakikiisa. Ani San Juan: “Behind the façade of satisfaction and the shadow of decadence it casts, in Manila and throughout the islands, the demon of the will to act on breeds in the collective spirit of the poor, the working class, the outsiders. Where virtue and goodness seem to thrive, there the temptation of the irrational smolders with a fury surpassing in intensity those peasant uprisings we have had since 1896 and earlier, since the Sakdals and the Huks.” (1988, p. 156.) At gayong-gayon ang maaasinta sa wika at kuwento ni Montecarlo. Ang lenggwahe ng mobilisasyon, bilang pinakamataas na porma ng kolektibong pagkilos sa lungsod, ay mababanaagan bilang alegorya ng pagbubuo ng nasyon – isang marubdob na sintesis at kulminasyon ng paghulagpos mula sa tinatawag ni San Juan na “predatory individualism.” Samakatuwid, ang kuwentong “Mendiola” ay gumagana sa isang operasyon hindi lamang ng inaalimurang mga magsasaka, na kalakhan ng masang populasyon sa bansa, kundi maging ng pakikibarik na personal at pulitikal ng petiburgesya’t iba pang uring mardyinalisado. Sa ganitong operasyon, ang paglabas mula sa isang indibidwal na framework ay pakikipagsanib sa iba pang indibidwal upang bumuo ng muog. Gayon ang masasapo sa imahinasyon ng persona at kolektibong paggagap sa katotohan sa kuwentong “Mendiola.” Sa dulo, matapos ang malagim na insidente, matapos ang isang taon, si Terê (na maaaring mabasa sa trope ni Teresa Magbanua, ang sinasabing “Joan of Arc” ng Kabisayaan) ay sumanib na sa Bagong Hukbong Bayan: “Si Terê nga pala? Kamusta na kaya? Huling balita ko roo’y nag-LOA daw muna. Nasa Isabela daw siya ngayon. Nakikipamuhay sa mga pesante, para raw hindi lamang sa intelektwal at makataong panig lamang niya maintindihan ang lagay ng mga pesanteng matagal nang inalipin ng sistema.” (Montecarlo 1988, p. 53) At bilang panghuling talata ng kuwento, inulit lamang ni Monteclaro ang unang dalawang linya ng kanyang pagbubukas: “Marami sana akong gustong itanong sa iyo, hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan. Nahihirapan akong pumili ng mga salitang aangkop sa nararamdaman kong unos na unti-unting nabubuo sa loob ko.” (1988, p. 54) Ang pagtatapos na ito ay masisipat hindi lamang bilang isang estilo ng bukas-wakas na kalimita’y itinatambol ang pagiging bukas ng teksto at naratibo sa dulo ng kuwento. Ngunit sa kasong ito, mapang-usig ang inulit na dalawang pangungusap: tila ibinabandila ang continuum ng lenggwahe-espasyo at oras-espasyo sa nagbabagong moda ng produksyon sa progresyon o kawalang-progresyon ng kasaysayan. Ang continuum ng oras-espasyo ay tumitikatik sa kuwentong “Mendiola.” Tatlong insidente sa kuwento ang nagpapaalala sa mambabasa hinggil sa halaga ng oras: Una’y mahuhuli na sa pag-uwi ang persona dahil napasarap ang kuwentuhan nila ni Terê; Ikalawa’y nang tanungin ni Terê ang persona kung may klase pa ito dahil iimbitahan siyang kumain; At ikatlo’t huli ay ang oras ng pagdating nilang mga raliyista 200-metro bago ang paanan ng tulay sa Mendiola kung saan magaganap sa nasabing kahabaan ang padaskol na pamamaril sa kanila. Ayon kay San Juan, “Clocktime introduced by the social division of labor at the advent of mercantile capitalism is not vanquished but sublated…” (1995, p. 197) Masisipat ang nasabing tesis ni San Juan sa kuwentong “Mendiola” ni Monteclaro. Mahihipo na ang konsepto ng oras sa “Mendiola” o sa anupamang kolektibong pagkilos o paggawa ay hindi nababalewala kundi “sublime” o transendental. Nangangahulugan ito na sa mga pagkakataon at panahong marubdob ang tambol ng damdamin at ohetibong reyalidad, ang oras ay nagiging naratibo ng pag-angat mula sa personal na espasyo tungo sa mas malawak na pampubliko ngunit kolektibong espasyo. Madadalumat ang transgresyon ng konsepto ng “sublimasyon ng oras” mula sa unang insidente ng pagbanggit ng oras sa kuwento patungo sa ikatlong insidente, kung saan sa huli ay matutunghayan ang pag-ilanlang ng oras bilang progresibong kolektibong pagmamapa ng kaakuhan at pambansang alegorya. Halimbawa, oras ang nagdidikta sa persona sa unang banggit ng oras sa kuwentong “Mendiola:” “Matapos matiyak na maayos na ang itsura, isinukbit ko na ang aking knapsack sa may kanang balikat. Napatingin ako sa relo ko – alas singko cuarenta na. Dali-dali akong lumabas ng Ladies room dahil tiyak na mahihirapan na naman akong makakuha ng sasakyan pauwi.” (Montecarlo 1988, p.47) Sa kasong ito, mas mahalaga ang dikta ng oras kaysa sa operasyon ng pag-uwi. Sapagkat ang operasyon ng pag-uwi ay nakaangkla sa mismong oras – alas singko cuarenta: rush hour. Halos lahat ng tao, laluna ang mga manggagawa’t estudyante sa kosmopolitan, ay hinubog na ng kani-kanilang mga institusyon upang sumunod ayon sa kanilang mekanikal na layon: kung kaya ang orasan, sa puntong ito, ay isang operatibo at depinitibong apendeho’t gaheto ng superistruktura. Gayundin ang mababanaag sa ikalawang banggit sa oras ay nang humahangos pababa ng hagdan patungong unang palapag ng isang gusali sa Unibersidad ang persona at si Terê: “O saan ka na ngayon?” tanong niya. Humahangos kami pababa sa may first floor. “Wala, tapos na ang klase ko. Ikaw may klase ka pa?” Sinilip ko ang orasan – alas cuatro diyes na. (Montecarlo 1988, p.48) At habang paghangos ang epekto ng konsepto ng oras para sa persona sa unang dalawang banggit ng insidente ng oras sa kuwento, iba naman ang operasyon sa ikatlo’t huling banggit ng oras: “Mag-aalas singko nang dumating kami doon, may 200 metro pa ang layo namin sa tulay, ngunit pinahinto na kami ng marines. “Hanggang dito na lang kayo, hindi na kayo makakalagpas pa sa kinalalagyan ninyo,” ang sabi ng isang opisyal na kasama ng mga unang humarang sa amin. “Kami’y pupunta sa Malakanyang at hindi ninyo kami mapipigil!” (Montecarlo 1988, p. 51) Sa yugtong ito, mayroon nang kompresyon ng oras-espasyo dulot ng transgresyon sa mga hangganan ng pisikal at psyche ng tao. Ang banggit sa oras sa bahaging ito ay hindi na ganun ka-depinitibo, hindi na nakaangkla sa isang superistruktura ng merkantilismo o kroni kapitalismo, kundi pag-usad mula sa mahigpit na kapit ng makinisasyon tungo sa pagpupursigi na maabot ang isang tiyak na layon: ang lusubin ang Malakanyang upang igiit sa gobyerno ang makatarungang hiling para sa lupa ng mga pesante. Hindi nalalabusaw ang oras, bagkus ay “sublimed” ito dahil hindi na ito ang mapangdiktang oras ng transnasyunal kapitalismo kundi ang marubdob na karanasan ng isang sektor ng masang puspos ng damdaming makabayan. Pagmapa sa Mendiola Ani San Juan, “Philippine literature, in English or the vernacular, seems to be haunted by the heavy miasma of atonement and nostalgia for a baroque past, and the longing for a future that echoes the rhythm and mirrors the image of an aborted passion.” (1988, p.159) Ganito ang tono ng pagbubukas at pagwawakas ng kuwentong “Mendiola” ni Montecarlo. Ang pag-alaala ng persona sa masaya at malungkot na karanasan sa Mendiola, at sa relasyon niya sa kaibigan at kasamang si Terê, ay lagpas sa liberal at romantikong tradisyon ng pagkukuwento sa Pilipinas. Bagkus, ang operasyon nito ay ang nostalgia at memorya bilang naratibo ng kognitibong pagmapa – ang paghahanap sa sarili at ang paghahangad sa iba bilang paghalukay at pagdireksiyon sa kasaysayan ng bansa. Sa linyang ito masisipat ang sinasabi ni Fredric Jameson hinggil sa mga indibidwal na aksyon at personal na naratibo: “the story of the private individual destiny is always an allegory of the embattled situation of the public third-world culture and society.” (San Juan 1995) Kung kaya ang Mendiola bilang lenggwahe-espasyong pulitikal, kultural at sosyolohikal ay may depinitibong pakahulugan para sa maraming mamamayan. Ilang beses na itong nagbihis; at nitong huli nga lang ay naging madugong lunan rin sa pandarahas sa mga lumpen at iba pang masa na sumugod sa Malakanyang upang hilingin ang pagbaba ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo at upang humingi ng katarungan para sa mga biktima ng Hacienda Luisita Massacre. Ngunit ipinapaalala ng kuwentong “Mendiola” ang mariing pakahulugan ng Mendiola para sa mas maraming mahihirap, pesante, manggagawa, at iba pang mardyinalisadong sektor sa lipunan. Ani Montecarlo: “Ang Mendiola. Noon ay simbolo ng pakikibaka ng mga taong nais iparating ang kanilang karaingan sa kaluklukan ng kapangyarihan sa bansa, ang Malakanyang. Noon ay tagpo ng represyon, ng paglustay ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan… Simbolo ng di magpangabot na interes ng masa’t ng Malakanyang na tuwirang pinaghiwalay ng mga barbed wires na humarang sa daan patungo sa Malakanyang…” (Montecarlo 1988, p. 53) Mismong ang persona ang naghubad sa mistipikasyon sa Mendiola. Aniya, “Ang Mendiola, 1987. Unang manipestasyon ng harapang pagwawalang-bahala ng mga nasa itaas sa karaparang magsalita’t magprotesta. Malagim na kuwentong paulit-ulit na bubuhayin sa kasaysayang hanggang ang mga mapag-aping uri ay nananatiling nakaluklok sa kanyang ginintuang silya.” (Monteclaro 1988, p. 53) At habang nananatili ang ganitong tereyn ng tunggalian, mananatili ang produksyon at reproduksyon ng lenggwahe-espasyo sa Mendiola. Kung saan ang lenggwahe ay tensyonadong kalsada at ang espasyo ay maaanghang na salita. Sanggunian: Monteclaro, Maelyn O. “Mendiola” nasa Philippine Collegian Literary Folio na pinamatnugutan ni Francine Y. Medina. Quezon City: University of the Philippines-Diliman. 1988. p. 47-54. Said, Edward. Culture and Imperialism. New York: Vintage Books. 1993. San Juan, E. Jr. “Beyond Postmodernism: Notes on ‘Third World” Discourses of Resistance,” Hegemony and Strategies of Transgression: Essays in Cultural Studies and Comparative Literature. Albany: State University of New York Press. 1995. pp. 193-218. San Juan, E. Jr. Mediations From a Filipino Perspective. Pasig City: Anvil Publishing, Inc. 1996. San Juan, E. Jr. Only by Struggle: Reflections on Philippine Culture, Politics and Society in a Time of Civil War. Quezon City: Kalikasan Press. 1988. Santos, Corazon L. “Ang Politisasyon ng Masa at ang Nobelang ‘Sa mga Kuko ng Liwanag’ ni Edgardo M. Reyes.” Nasa Diliman Review. Quezon City: Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, Kolehiyo ng Arte at Literatura, at Kolehiyo ng Agham, Unibersidad ng Pilipinas. vol. 49, nos. 3-4. pp. 49-58.
kelly.kili at 10:02 PM Sa Labas ng Sinehan ni Sy at Telebisyon ni Lopez: “Each film emerges out of and is directed toward a particular historical, social, political, and cultural context. The revolutionary nature of any film …. is in large part determined by its mode of production and its mode of distribution, by the human relations that brought the film into being and the human responses it engenders as it interacts with its intended audience.” (37) Samakatwid, ang biswalisasyon at sinemasisasyong ginawa ng SIPAT hinggil sa mga isyung sosyal at pulitikal ay naghulas ng mga dokumentaryo’t pelikulang rebolusyunaryo’t kritikal – at sa akto’t produksyong ito’y may layong sipatin ang kalabang uri ng nakararami. Kung hihibuing mabuti, ang proyekto ng digitalisasyon ng mga “batayang problema ng lipunan” ay mas paglalantad ng kabulukan ng estado sa panahon ng huli at nabubulok na yugto ng kapitalismo. Ang teknolohiya ng kapitalismo, ang teknolohiyang digital ng panahong ito, ay nagiging rebolusyunaryong kasangkapan upang palisin ang lisyang kamalayang pinamamandila’t pinananatili ng estado. Kontra-Puntal at ang “Tensyonadong” Pelikulang-Iglap Higit pa rito, ang ganitong kritikal na tradisyon ay maiaangkas di lamang sa “pagsipat” kundi sa mismong “pag-asinta” sa dominanteng lenggwahe ng mainstream na midya. Sa papel na “Culture & Freedom in Late Capitalism” na binasa ni E. San Juan, Jr. sa Founding Congress ng International League of People’s Struggles noong Mayo 26, 2001, aniya: “It is one thing to demistify the language of domination, another to eliminate the structures whereby language produces effects in the lived experiences of humans. Can re-reading change the oppressive structures and institutions of social relations?” (60) Ang tanong ni San Juan ay magandang pagtuunan bilang hermenyutikong lapit sa pag-aaral ng relasyong pangkapangyarihan ng mainstream na pamamahayag at ng nabanggit na mga dokumentaryo’t maikling pelikula, at ng diskursong kontra-puntal ng huli. Masisilo sa pahayag ni San Juan na di sapat ang akto ng muling-pagbasa (re-reading) sa mga produksyon ng mainstream na midya upang baguhin ang relasyon ito at ang mga istrukturang pangkapangyarihang dominante sa bansa. Samakatwid, may pangangailang lumalang ng mga produksyong di lamang maghahatid ng alternatibo sa mainstream o di kaya’y kritisismo nito, kundi higit pa rito’y ang dokumentasyon ng reyalidad ng nakararami at ang presentasyon ng solusyon sa mga isyung pulitikal at sosyal. Makikita ang ganitong bana sa landasing nais taluntunin ng mga dokumentaryo ng SIPAT. Halimbawa, mapapansing tensyonado ang kalakhan ng dokumentaryong Aklasan. Literal na “nanginginig” ang biswal na kuha sa maraming eksena nito, mula sa tagpo ng “negosasyon” sa pagitan ng mga welgista at ng mga militar hanggang sa pagtakbo ng mga manggagawang-bukid dahil sinimulan silang paulanan ng bala ng mga militar. Mamamasdang ang espasyong nakuhanan ng video ay tensyonado, mabilis, nanginginig, at kumbaga sa tinig, nangangaralgal. Palikaw-likaw ang pagtakbo ng mga tao, maging ng may bitbit ng kamera, kung kaya maraming tagpo kung saan mga nagmamadaling binti’t paa ang nahuli ng kamera. Dahil sa tagpong iyon, kabilang o nakikiisa ang nagsasagawa ng dokumentaryo sa plea ng mga manggagawang-bukid. Mapapansin ring higit na nanginginig ang biswalidad sa aktong kinukunan ang mga naghihingalong tinamaan ng bala at, sa kalaunan, ang mga naghihinagpis sa ibabaw ng kabaong ng napuntirya ng bala. Ganung tensyon rin ang masasapo ng mata sa UP Not for Sale, isang dokumentaryo hinggil sa komersyalisasyon ng edukasyon, partikular sa state colleges and universities (SCUs) tulad ng Unibersidad ng Pilipinas. Tulad ng ipinamalas sa Aklasan, nahuli sa UP Not for Sale ang tensyon sa pagitan ng raliyista at ng marahas na aparato ng koersyon (coercion) ng estado: ang pulis at militar. Gayundin ang tipo ng eksena ng negosasyon, ng pambabatuta ng pulisya sa mga raliyista, at ng isinagawang “lie-in” o paghiga ng mga raliyista upang harangan ang “tumatakas” o “umiiwas” sa dayalogo (hinggil sa komersyalisasyon ng UP sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2587 o UP Charter Change) na si Sen. Kiko Pangilinan. Trahedya ng Pino at Amorphous Sa puntong ito, marapat na ihambing ang “tensyong” nahuli ng kamera sa Aklasan at UP Not for Sale sa dalawang konseptwalisasyon ng tensyon: Una, ang “tensyong” nahuli ng kamera ng mainstream media bilang tensyong bahagi lamang ng trabaho ng mediamen. Nangangahulugan ito na di maiiwasan ang tensyon dahil nakabulid ito sa relasyong pang-ekonomiya ng isang tagapagdokumento sa nagpapasahod sa kaniya. Samakatwid, ang tensyong nakukuha ay nagiging “big catch” o “exclusive footage” na ginagawang kapital ng isang media mogul. Ikalawa, ang konsepto ng “kawalan ng tensyon” bilang estetika ng pinong (fine, high art) sinema: walang tensyon, walang garalgal, walang nginig, makinis na editing, at maaliwalas o payapang paksain (o eskapista sa madaling salita). Ang estetika ng pinong produksyon ay nakaangkla sa pagpapanaig ng naghaharing uri ng estado ng kaniyang uri. Mahusay itong ipinaliwanag ni Georg Lukacs sa kaniyang “Class Consciousness”: “The tragic dialectics of the bourgeoisie can be seen in the fact that it is not only desirable but essential for it to clarify its own class interests on every particular issue …. Its hegemony is exercised not merely by a minority but in the interest of that minority, so the need to deceive the other classes and to ensure that their class consciousness remains amorphous is inescapable for a bourgeois regime.” (Lukacs 44-45) Kung sasaludsuring mabuti, sinubukang ipagtanggol ni Kong. Noynoy Aquino sa mga interbyu sa telebisyon at radyo ang pamilya niya, ang pamilya Cojuangco, hinggil sa paninikis sa kanilang Hacienda. Ani Aquino, hindi raw totoo na P9.50 lamang ang ipinapasahod nila sa mga manggagawang-bukid, kahit na mababanaagan sa Aklasan mismo na ipinapakita ng mga manggagawang-bukid ang kanilang paycheck na nagsasaad ng naturang halaga. Gayundin, ang ipinalabas sa mainstream na midya ay ang footage na ang tanging ipinapakita ay ang pag-atake-pabalik o pagganti o pagtatanggol sa sarili ng mga welgista na nauna nang pinaulanan ng teargas at bala ng mga militar. Ngunit di ipinalabas sa telebisyon ang akto ng pagpapaulan ng bala at teargas. Ganitong diktum rin ang binabalikwasan ng Mula 3rd Ave. Hanngang sa Dulo at ng Silang Anak N’yo Rin at Kasama. Ang una’y hinggil sa tatlong kabataang naninirahan sa isang komunidad ng maralitang tagalungsod, kulturang gangsterismo, at uring lumpen. Ang ikalawa’y hinggil sa mga desaparecido, biktima ng salvaging, at mga kabataang lumalahok sa armadong pakikibaka. Malimit, ang pagpokus ng mainstream midya sa mga tauhan sa mga dokumentaryong ito ay bilang mga latak lamang ng lipunan – na nangangailangan ng rehabilitasyong kontrolado ng estado at simbahan. Pinananatiling amorphous ang uri – walang katiyakan, laging problematiko, sinusubuan ng mga lisyang pangako at pag-asa – upang sa huli ay mapanatiling “Iba” sila at pinananaigan ng iilan. Ngunit tulad ng mga organikong intelektwal na tumulong sa tatlong kabataang lumpen upang maging “organisado’t kritikal,” bitbit ng mga naturang dokumentaryo’t maikling pelikula ang pasaning dantaon nang nakadagan sa nakararami. Ang digitilasisayong ito, di man maipalabas sa ngayon sa mga sinehan ni Henry Sy o di man pagdamutan ng transmiter ng pamilya Lopez, ay tulad ng mga “piniratang” VCD o DVD sa Quiapo at Divisoria. Hahapon sa mga tahanan, dadaong sa mga paaralan, at dudungkal nang malalim sa kolektibong psyche ng mamamayan. Sanggunian: Burton, Julianne. “Politics and the Documentary in People’s Chile: An Interview with Patricio Guzman on ‘The Battle of Chile.’” Nasa Socialist Revolution. California: Agenda Publishing Co. 1977. vol. 7, no. 5. pp. 36-68. Lukacs, Georg. “Class Consciousness.” Nasa Ideology. Inedit at ginawan ng introduksyon ni Terry Eagleton. London: Longman Group UK Limited. 1994. pp. 31-49. San Juan Jr., Epifanio. “Culture & Freedom in Late Capitalism.” Nasa Diliman Review. Quezon City: Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, Kolehiyo ng Arte at Literatura, at Kolehiyo ng Agham, Unibersidad ng Pilipinas. vol. 49, nos. 3-4. pp. 60-65. kelly.kili at 2:41 PM |
| |||||
| maystar designsmaystar designsmaystar designs | ||||||